BAKIT NGA BA MAHAL KITA

Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

CHORUS
Bakit nga ba mahal kita
Kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko
‘Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa ‘yo

Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa ‘yo’y ‘di kailan man magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
‘Di naghahangad ng ano mang kapalit

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko
‘Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa ‘yo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko
‘Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa ‘yo

O, bakit nga ba mahal kita

Speak Your Mind

Subscribe Pwiker rss   Like us Visit Pwiker on facebook   Follow us Follow Pwiker on twitter


Copyright © 2014 Pwiker Worldstar. All rights reserved
Developed by: Sunecai
Pwiker the largest online talent discovery | Your Dreamgate to Stardom